Pumasok na ang mainit na panahon sa bansa dahil umalis na ang northeast monsoon o malamig na hangin na galing sa northern hemisphere.
Ayon kay Nathaniel Cruz, chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical and astronomical Services Administration, ang Northern hemisphere ay taunang nararamdaman sa bansa mula Oktubre hanggang Marso.
Ani Cruz, kapag kumawala na ang northeast monsoon, papalit naman dito ang mainit na hangin mula sa silangan ng Philippine Sea at ng Pacific Ocean.
Dahil summer na, pinapayuhan ng PagAsa ang publiko na magsuot ng pananggalang sa init ng araw tulad ng eyeglasses, payong at sumbrero upang hindi gaanong mainitan ang katawan mula sa matinding sikat ng araw. (Angie dela Cruz)