Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema si retired Supreme Court (SC) Associate Justice Ruben Reyes kung bakit hindi siya dapat suspendihin bilang abogado dahil sa leakage ng isang unpromulgated decision ng SC en banc na kumukuwestiyon sa citizenship ni Negros Oriental Rep. Jocelyn LImkaichong.
Pinagbabayad din si Reyes ng P500,000 bi lang penalty na ang halaga ay babawasin sa retirement benefits nito na nagkakahalaga ng P4.45 milyon.
Si Limkaichong, ay tumakbo sa ilalim ng Lakas-CMD, kung saan nanalo ito kay dating Rep. Jerome Paras.
Noong May 17,2007, nagpalabas ng desisyon ang Comelec Second Division na nagdi-diskwalipika kay Limkaichong. Inayunan naman ito ng Comelec en banc noong June 29,2007.
Samantala, nilinaw ni Reyes na pinagbuti niya ang kanyang serbisyo sa loob ng 35 taon na panunungkulan sa gobyerno kaya hindi umano siya papayag na kahit isang sentimo ay mabawas sa kanyang retirement benefit nakanyang pinaghirapan.
Kung kinakailangan umano na maghain ng motion for reconsideration si Reyes ay gagawin nito. (Gemma Amargo-Garcia)