^

Bansa

Sa citizenship ng Negros solon: Retired justice kinastigo ng Korte Suprema

-

Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema si retired Supreme Court (SC) Associate Justice Ruben Reyes kung bakit hindi siya dapat suspendihin bilang abo­gado dahil sa leakage ng isang unpro­mulgated decision ng SC en banc na ku­muku­wes­tiyon sa citizenship ni Negros Oriental Rep. Jocelyn LImkai­chong.

Pinagbabayad din si Reyes ng P500,000 bi­ lang penalty na ang halaga ay babawasin sa retirement benefits nito na nagkaka­halaga ng P4.45 milyon.

Si Limkaichong, ay tu­makbo sa ilalim ng Lakas-CMD, kung saan nanalo ito kay dating Rep. Jerome Paras.

Noong May 17,2007, nag­palabas ng desisyon ang Comelec Second Division na nagdi-diskwa­lipika kay Limkaichong. Inayunan na­man ito ng Comelec en banc noong June 29,2007. 

Samantala, nilinaw ni Reyes na pinagbuti niya ang kanyang serbisyo sa loob ng 35 taon na panu­nungkulan sa gobyerno kaya hindi umano siya pa­payag na kahit isang sen­timo ay mabawas sa kan­yang retirement benefit nakanyang pinaghirapan.

Kung kinakailangan umano na maghain ng motion for reconsideration si Reyes ay gagawin nito. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE RUBEN REYES

COMELEC SECOND DIVISION

GEMMA AMARGO-GARCIA

JEROME PARAS

KORTE SUPREMA

NEGROS ORIENTAL REP

NOONG MAY

REYES

SHY

SI LIMKAICHONG

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with