^

Bansa

Sen. Biazon magko-congressman, anak magse-senador

-

Sa kabila ng isyu ng political dynasty kung saan halos magkakamag-anak ang pumapasok sa pulitika at hindi bumibitiw sa posisyon, balak ng mag-amang sina Sen. Rodolfo Biazon at Muntin­lupa Rep. Ruzzano Bia­zon na magpalitan ng posisyon.

Inamin kahapon ni Sen. Biazon na magtata­pos na ang termino sa 2010 na tatakbo siyang kinatawan ng Muntinlupa samantalang ang kan­yang anak naman ang tatakbong senador.

Magtatapos na rin ang termino ni Senate Minority Leader Aquilino Pi­mentel Jr., at posibleng muli nitong patakbuhin bilang senador ang nata­long anak na si Atty. Koko Pimentel.

Sakaling manalo ang batang Pimentel, maka­kasama nito sa Senado si Sen. Juan Miguel Zubiri na iprinotesta niya ang pagkapanalo noong 2007 senatorial elections.

Idinadag naman ni Biazon na iilang letra la­mang ang babaguhin sa signage ng bagong opi­sina sakaling manalong Congressman ng Muntin­lupa dahil parehong le­trang “R” nagsisimula ang kanilang pangalan.

Inaasahan naman na muling mauulit ang laba­nan ng mga Biazon at dating Press Secretary Ricardo “Dong” Puno Jr. sa Muntinlupa.

Sa susunod na taon (2010) sabay na mata­ta­pos ang termino ng mag-amang Biazon kung saan siyam (9) taon na­nilbihan ang anak sa Ka­mara, katumbas ang tat­long (3) termino habang 12 taon sa Upper House ang se­nador. (Malou Escudero)

vuukle comment

BIAZON

JUAN MIGUEL ZUBIRI

KOKO PIMENTEL

MALOU ESCUDERO

MUNTINLUPA

PRESS SECRETARY RICARDO

PUNO JR.

RODOLFO BIAZON

RUZZANO BIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with