131,000 bagong trabaho sa mga magsasaka, mangingisda
Dahil sa financial crisis, may 131,000 bagong trabaho ang Department of Agriculture (DA) para sa sektor ng agrikultura at pangingisda ngayong taon.
Ayon kay DA Secretary Arthur Yap, ito ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan na maalalayan ang estado ng pamumuhay ng taumbayan mula sa epekto ng krisis sa pananalapi sa buong mundo.
Ani Yap, may 81,134 trabaho ang mapupunta sa repair at rehabilitation ng mga irrigation facilities sa buong bansa at dagdag na 10,400 naman ang mabebenepisyuhan ng organic fertilizer production program.
Ang may 36,500 trabaho naman ay mapupunta sa pagtatayo ng farm to market roads at dagdag na 3,645 employment opportunities.
Kaugnay nito, nanawagan si Yap sa mga mambabatas sa Kongreso na makiisa sa pagtulong sa pamahalaan na mabigyan ng kaukulang solosyon ang problema sa pananalapi sa bansa sa pamamagitan ng pagpasa ng isang economic stimulus bill na tutulong na maibigay ang commitments ng pamahalaan para sa kapakanan ng taumbayan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending