Billboard ni Atienza binaklas

Ilang advertising company ang nagpahayag ng pagkabahala sa pagba­baklas ng pamahalaang-lunsod ng Maynila sa mga commercial billboard na nagpapakita sa anak ni dating Mayor Lito Atienza na si Kim.

Naunang billboard ni Atienza na binaklas ang nasa panulukan ng Qui­rino at South Super high­way kung saan nakalagay sa billboard ang “anima­landia”.

Hindi naman maka­angal ang advertising company nito dahil baka balikan sila ng lokal na pamahalaan at madamay ang iba pang billboard na pag-aari nila.

Dito umano itinayo ang nasabing billboard dahil dito rin naninirahan ang may-ari ng animalan­dia na iniindorso ni Atien­za.

Problemado na rin ang iba pang advertising company ng iniindorsong pro­ dukto ni Atienza dahil sa baka posibleng ang billboard nila ang susunod na baklasin.

Show comments