BSP walang pruweba kay delos Angeles

Wala pang-konkretong ebidensiya para idiin si Sto. Domingo, Albay Mayor Celso delos Angeles.

Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Assistant Governor Juan de Zuniga sa House Committee on Banks and Financial Intermidiaries sa pagdinig sa Kamara kahapon.

Sinabi ni de Zuniga na wala pang solidong ebiden­ siya ang kanilang tanggapan laban kay delos Angeles pero hindi tumitigil ang kanilang investigating body sa pagkalap ng mga ebidensiya laban sa pangulo ng Legacy Companies.

Ayon kay˜de Zuniga, kapag nakalap na ang mga ebidensiya laban kay delos Angeles ay ibibigay ito kay SBP Governor Armando Detangco at sa Monetary Board. (Butch Quejada)

Show comments