Alabang Boys umapela
Umapela kahapon ang tinaguriang Alabang Boys sa Court of Appeals para sa kanilang petition for habeas corpus na naunang ibinasura ng CA.
Ayon sa abogado nina Richard Brodett, Joseph Tecson at Jorge Joseph na si Atty. Felisberto Verano, dapat palayain ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlo matapos ibasura ni State Prosecutor John Resado ang drug case ng kan yang mga kliyente.
Idinagdag pa nito na hindi maaring gamitin ng CA ang waiver na nilagdaan ng Alabang Boys upang pangatwiranan ang patuloy na pagkulong sa kanila habang ipinagpapatuloy ang preliminary investigation ng tatlo. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending