Inamin kahapon ng Malacanang na hindi nito kayang pigilin ang pagtataas ng matrikula ng mga pribadong paaralan sa susunod na pasukan.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, mauunawaan naman siguro ng mga magulang na kailangan nilang magbayad kung nais nila ng may kalidad na edukasyon para sa kanilang mga anak sa pribadong paaralan.
Pero sinabihan anya ng pamahalaan ang Commission on Higher Education na makiusap sa mga pribadong paaralan na huwag munang magtaas ng singil sa matrikula. (Rudy Andal)