Pinayuhan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President at Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo ang mga Pilipino, partikular na ang pamahalaan, na si mulan nang magsisi sa mga nagawang kasalanan sa kanilang kapwa lalo na’t gugunitain ang Ash Wednesday bukas na hudyat nang pormal nang pagsisimula ng panahon ng Mahal na Araw.
Idiniin ni Lagdameo na kung ang kahirapan ang problema ng bayan, nangangahulugan lamang ito na mayroong nagkakasala laban sa Diyos at laban sa bayan.
Dapat na rin aniyang suriin ng bawat isa ang kani-kanilang kunsensiya at magkaroon ng saloobin na itigil na ang injustice o kawalan ng hustisya sa kanyang kapwa.
Idiniin ni Lagdameo na magagawa lamang ito sa pamamagitan ng pagbabalik sa mga kinauukulan ng mga ninakaw mula sa kanila. (Doris Franche)