^

Bansa

Plunder vs Bolante inindorso

- Ni Malou Escudero -

Inirekomenda kaha­pon ng blue ribbon committee ng Senado ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay da­ting Agriculture Under­secretary Jocelyn “Joc-Joc” Bo­lante at walo pang katao na isi­nang­kot sa P728 milyong fertilizer fund scam.

Gayunman, inabsu­welto ng komite sa ano­malya si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Bukod kay Bolante, pinakakasuhan din ng komite sina Belinda Gonzales, Agriculture Undersecretary for Finance; Ibarra Poliquit, dating DA Assistant Secretary; Leonicia Marco Llarena, may-ari ng Dane Publishing House; Julie Gregorio at Redentor Antolin, president at vice president ng Feshan Philippines; Marilyn Araos; Maritess Aytona; at Jaime Paule.

Inirekomenda rin ang pagsasampa ng kasong technical malversation, money laundering at false testimony laban kay Bolante.

Sinabi ng tagapa­ngulo ng komite na si Ri­chard Gordon na, baga­man walang ebidensya na magdadawit sa Pa­ngulo sa anomalya, da­pat din nitong ipaliwa­nag kung bakit nabigo itong aksyunan ang anomalya.

AGRICULTURE UNDER

AGRICULTURE UNDERSECRETARY

ASSISTANT SECRETARY

BELINDA GONZALES

BOLANTE

DANE PUBLISHING HOUSE

FESHAN PHILIPPINES

IBARRA POLIQUIT

INIREKOMENDA

JAIME PAULE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with