^

Bansa

Grand motorcade bumida sa Caloocan

-

MANILA, Philippines - Bumida ang Caloocan bilang Motorcycle Capital of the Philippines nang pangunahan ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mahigit sa 5,000 motorbike rider sa isang Promotional Grand Motor-cade paikot ng lungsod.

Suot ang mga color-coded na uniporme at kasama ang may 50 motorcycle riders mula sa Reformed Department of Public Safety and Traffic Management, ang mga sumali ay hinati sa dala­wang malalaking grupo – ang Southern at Northern group na batay ang pag­kakahati sa dalawang pangunahing land area ng lungsod.

Ani Echiverri, maliban sa pagpo-promote sa eko­nomiya ng siyudad, layon din nitong pataasin ang kamalayan ng publiko hing­gil sa tama at ligtas na paggamit ng motorsiklo.

Tiwala naman si RDP­STM chief Alfonso Sta. Maria na ang naturang parada ay lilikha ng record bilang pinakamarami, pi­nakamahaba at pinaka-well organize na motorcade ng mga motorsiklo   sa lungsod. Ani Sta. Maria, ang grand motorcade ay isa sa mga pangunahing tampok ng isang buwang selebrasyon ng ika-47 cityhood ng lungsod.

vuukle comment

ALFONSO STA

ANI ECHIVERRI

ANI STA

BUMIDA

CALOOCAN

ECHIVERRI

MAYOR ENRICO

MOTORCYCLE CAPITAL OF THE PHILIPPINES

PROMOTIONAL GRAND MOTOR

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with