Atienza, nahalal muli bilang Pro-Life prexy

MANILA, Philippines - Muling nahalal si Department of Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza bi­-lang presidente ng Pro-Life Philippines, isang lay organization na nagtata­guyod sa kahalagahan ng buhay.

Isinagawa ang pagha­lal kay Atienza sa pagti­tipon ng mga advocate at lider ng pro-life sa Good Sheperd convent sa Que­zon City noong Sabado. Naunang namuno si Atien­za sa orga­nisasyon noong 1989 hang­gang 2000.

Kabilang sa itinatagu­yod ni Atienza lalo na no­ong siya ang alkalde ng Maynila ang responsible parenthood at sustainable development sa ila-   lim ng Buhayin ang May­nila program. (Butch Quejada)

Show comments