Atienza, nahalal muli bilang Pro-Life prexy
MANILA, Philippines - Muling nahalal si Department of Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza bi-lang presidente ng Pro-Life Philippines, isang lay organization na nagtataguyod sa kahalagahan ng buhay.
Isinagawa ang paghalal kay Atienza sa pagtitipon ng mga advocate at lider ng pro-life sa Good Sheperd convent sa Quezon City noong Sabado. Naunang namuno si Atienza sa organisasyon noong 1989 hanggang 2000.
Kabilang sa itinataguyod ni Atienza lalo na noong siya ang alkalde ng Maynila ang responsible parenthood at sustainable development sa ila- lim ng Buhayin ang Maynila program. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending