Lumad pasok sa Army
MANILA, Philippines - Sa wakas, bibigyan na rin ng pagkakataon ng Philippine Army na maging sundalo ang mga matatalino at kuwalipikadong katutubong Lumad sa bansa.
Ayon kay Captain Rosa Ma. Cristina Manuel, taga pagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, ito’y kaugnay ng recruitment quota na 250 mga bagong sundalo sa taong ito ng kanilang tanggapan.
Nabatid na ang mga katutubong Lumad ay ipinagmamalaki ng Davao dahil marami sa mga ito ay nagsusumikap na ring maging mga edukado.
Inihayag ni Manuel na ang Candidate Soldiers Course para sa mga nagnanais maging sundalo ay magsisimula na bukas kung saan maaring magsumite ng kanilang aplikasyon ang mga kinauukulan sa tanggapan ng Office of the Assistant Chief of Staff for Personnel (G1) ng 10th ID. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending