Baka ng Chinaipinagbawal

MANILA, Philippines - Pansamantalang ipi­nag­bawal ng Department of Agriculture ang impor­tasyon ng baka at iba pang hayop na may apat na paa mula sa China da­hil sa pag­laga­nap sa mga hayu­pan doon ng foot-and-mouth disease.

Gayundin ay pansa­mantalang bawal din ang importasyon ng mga ibon at poultry products mula sa Belgium at Canadian pro­vince ng British Co­lum­bia dahil sa birds flu.

Nilagdaan ni DA Un­dersecretary Jesus Em­manuel Paras ang kautu­san sa pagbabawal dahil sa ulat mula sa Office International des Epizoo­ties o World Animal Health Organization na nagsasa­bing may FMD outbreak sa Hubei at Xinjiang, China. (Angie dela Cruz)

Show comments