^

Bansa

Torture ibubutas sa hatol na life sa 2 kidnapper

-

MANILA, Philippines - Naniniwala si Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida-Rueda Acos­ta na may malakas na ebiden­ siya para mabago ang ha­bambuhay na pagkabi­langgong inihatol ng korte kina Rodolfo Lara at Ro­derick Licayan na nasen­tensyahan sa kasong kid­naping for ransom.

Tiniyak ni Acosta na iaapela niya sa Court of Appeals ang anggulong tinorture ng mga kagawad ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force ang mga akusado kaya ito umamin sa bintang na di­nukot ng mga ito sina Joseph Co at Linda Manay­say noong Agosto 1998.

Noong Pebrero 17, 2009, sinentensyahan ni Marikina Regional Trial Court Judge Felix Reyes sina Lara at Licayan.

Isang butas ang na­iprisinta ng PAOCTF sa pagharap ng extra-judicial confession ni Lara na hindi siya umano ang may gawa dahil hindi siya marunong bumasa at sumulat .

“Ang nagkaso sa ka­ nila ay PAOCTF, sa mga dokumento ng kaso, an­dun ang mga pangalang Michael Ray Aquino, Dan­dan, Tannagan, Mancao, at isang malaking pulitiko, andun ang ispiritu ng torture, si Lara diumano ay tinorture, kahit di maru­nong magbasa at sumulat ay kinunan ng extrajudicial confession. Yung lawyer na binigay ng PAOCTF ay Ilokano habang si Lara ay Ilonggo,” dagdag pa ni Acosta.

Idiniin niya na may hiwaga ang kasong na­banggit dahil malayang na­katakas ang mga uma­no’y biktima mula sa safe­house at ni hindi binanta­yan ng mga armadong kidnaper bukod pa sa walang ransom na ibinayad na umano’y hindi normal para sa isang kidnap for ransom case.

Natagpuang patay, aniya, sa bilangguan ang isa sa mga akusadong si Pedro Mabansag na tiyu­hin ni Lara at may-ari ng safe­ house. (Ludy Bermudo)

ACOSTA

COURT OF APPEALS

JOSEPH CO

LARA

LICAYAN

LINDA MANAY

LUDY BERMUDO

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT JUDGE FELIX REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with