^

Bansa

Belo, 1 pa kinasuhan ng nurse na nasira ang mukha

-

MANILA, Philippines - Kasong “reckless imprudence resulting in serious physical injuries” ang isinampa sa Makati Pro­secutor’s Office ng isang Fil-American nurse laban kay Victoria “Vicky” Belo, 53, ng Belo Medical Group Inc. matapos na masira umano ang kanyang muk­ha nang sumailalim ito sa “Thermage procedure” sa nasabing klinika.

Nahaharap din sa pa­re­hong kaso ang isang Dr. Jennifer Sison, ang itinu­turo ng nurse na si Leila Palaganas, 50, ng Flafsky Drive, Edison, New Jersey na nanghimok umano sa kanya at nagsagawa ng Thermage procedure sa kanyang mukha.

Sa pamamagitan ng sworn statement ni Pala­ganas sa Philippine Consulate sa Estados Unidos na nilagdaan ni Deputy Consul General Melita Sta. Maria Thomeczek, na na­ka­base sa New York, ay naisampa ang kanyang reklamo laban kina Belo at Sison.

Hihilingin din ni Palaga­nas sa Professional Regulations Commission na kanselahin ang mga lisen­sya nina Belo at Sison bilang mga doktor dahil sa umano’y “medical malpractice”.

Ayon kay Atty. Arnold Naval, abogado ni Palaga­nas, nakatakda ring mag­hain ng reklamo sa Department of Health ang kan­yang kliyente para ipawa­lang-bisa ang sertipikas­yon ng Belo Group na nakapag-operate ang na­turang klinika.

Siya ay nakatakdang dumating sa sa Pilipinas sa Linggo mula US para personal na dumulog sa pis­kalya at panindigan ang reklamo. Humihingi si Pa­ la­ga­nas ng P20 M moral damages. (Ellen Fernando) 

ARNOLD NAVAL

BELO

BELO GROUP

BELO MEDICAL GROUP INC

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPUTY CONSUL GENERAL MELITA STA

DR. JENNIFER SISON

ELLEN FERNANDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with