^

Bansa

ERC pinagpapaliwanag ng Malacañang

-

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Malacañang ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa naging batayan nito upang payagan ang pagtaas sa singil sa kur­yente ang National Power Corp. (Napocor).

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde sa media briefing, bagama’t isang independent body ang ERC ay nais ng Malacañang na magpali­wanag pa rin ito sa naging basehan para payagan ang power rate increase.

Ayon kay Sec. Re­monde, pinayagan kasi ng ERC ang dagdag na singil na P.4682 per kilowatt hour sa Luzon grid; P1.1460 per KWH sa Visayas at P.7147 per KWH sa Mindanao. Sa mga Meralco areas ay magkakaroon ng dagdag na singil na P0.17 per KWH.

Ipapatupad ng Napo­cor ang new rates sa February 26-March 25 billing cycle habang mara­ram­daman naman ng Me­ralco customers ang dagdag na singil sa kanilang March 26-April 25 billing period. (Rudy Andal)

AYON

ENERGY REGULATORY COMMISSION

IPAPATUPAD

LUZON

MALACA

MERALCO

NATIONAL POWER CORP

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with