Baguio grad no. 1 sa Nursing board exam

MANILA, Philippines - Isang graduate mula sa Baguio City ang nanguna sa 39,455 examinees na nakapasa sa November 2008 Nursing Board Exam.

Ayon sa Professional Regulatory Commission, topnotcher si Jovie Ann Alawas Decoyna ng Baguio Central University.

Kasama si Alawas sa 72 passers na karamihan ay nagtabla sa scores at pumasok sa top 10.

Bagaman mula sa BCU ang topnotcher ngayong taon, nanguna naman sa passing rate ang graduate mula sa Saint Paul University ng Iloilo at University of Saint Louis ng Tuguegarao, Cagayan.

Isinagawa ang examination noong Nobyembre 29-30, 2008 sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu City, Davao City, Iloilo City, Legazpi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, Sulu at Zamboanga City.

Show comments