DOJ umaasa ng kapatawaran para mapalaya na ang 10 Ninoy killers
MANILA, Philippines - Umaasa si Justice Secretary Raul Gonzalez na magkakaroon ng kapatawaran sa puso ng ibang tao upang tuluyang mapalaya ang 10 sundalo na akusado sa pagpatay kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino at kay Rolando Galman noong Agosto 21,2983.
Ito’y matapos aminin ni Gonzalez na sa kabila ng endorsement ng DOJ para sa executive clemency ng 10 sundalo ay maari pa rin umano itong harangin at tutulan ng pamilya ni dating Pangulong Cory Aquino.
Sinabi ng Kalihim na malaki ang posibilidad na maharang ang paglaya ng mga sundalo sa sandaling tumutol ang pamilya Aquino.
Idinagdag pa ni Gonzalez na ginawa niya ang endorsement sa Pangulo matapos na irekomenda din ng Burau of Corrections and Board of Pardons and Parole ang pagpapalaya sa mga sundalo.
Bukod dito, para sa makataong dahilan na rin umano kaya dapat na mapalaya ang mga ito dahil sa bukod sa tumatanda na ang mga ito ay mayroon na rin silang mga sakit at dapat na magpagaling sila sa piling ng kanilang mga pamilya.
Kabilang sa 10 sundalo sina Arnulfo Artates, Ro meo Bautista, Jesus Castro, Ruben Aquino, Arnulfo de Mesa, Rodolfo Desolong, Claro Lat, Ernesto Mateo, Felomino Miranda at Rogelio Moreno. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending