^

Bansa

Super lotto jackpot papalo sa P300-milyon

-

MANILA, Philippines - Posibleng umakyat sa P300 milyon ang halaga ng jackpot sa super lotto sa gaganaping draw bukas matapos hindi pa rin mapanalunan ang premyo nitong Huwebes.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) spokesman Larry Cedro, bigo pa rin ang mga mananaya na mahulaan ang winning ticket number combinations na 35-01-42-36-41-22 na may pot money na P270 milyon.

Kahapon ay nasa P288,146,473.20 na ang jackpot prize at kung pagbabatayan umano ang trend ng pagtaas ng pot money, hindi imposible na pumalo sa P300 milyon o higit pa ang jackpot prize.

Inihayag din ni Cedro na muli silang nakapagtala ng pinakamalaking ticket sale na umabot sa P271 milyon ang kanilang benta sa isang araw, P206 milyon dito ay nagmula sa Luzon habang ang P65,538,900 ay sa Visayas Mindanao region. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CEDRO

CRUZ

HUWEBES

INIHAYAG

KAHAPON

LARRY CEDRO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

VISAYAS MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with