^

Bansa

Estafa vs Greencross owners binasura ng Parañaque RTC

-

MANILA, Philippines - Tinapos na ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) ang lahat ng usapin hinggil sa pagmamay-ari ng Greencross Incorporated matapos nitong ibasura ang lima sa kasong estafa na isinampa ng dating pangulo nitong si Gonzalo Co It laban sa kanyang mga kapatid. Ang tagumpay na ito ay pinaka-bago sa mga nauna nang pagbasurang ginawa ng Pasay RTC at ng Manila Metropolitan Trial Court (MMTC) noong nakaraang taon.

Sa 16 pahinang desisyon ni Judge Fortunito L. Madrona ng branch 274 noong 30 Enero nitong taon, inayu­nan nito ang isinampang Motion to Dismiss ni Green­cross counsel Atty. Estelito Mendoza para ipawalang saysay ang limang  magkakahalintulad na estafa cases na sinampa ni Gonzalo Co It sa korte laban sa kanyang kapatid na si Anthony Co.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Mendoza na hindi napatunayan ng prosekusyon at ni Co It na tukuyin ang mga kapatid niya na aniya’y gumawa sa kanya ng nasa­bing krimen. Sa mga pagkakataong nagpresenta ito ng ebidensya sa korte, hindi umano napatunayan ni Co It na may misapropriasyon sa mga shares ng kumpanya.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Green Cross president Anthony Co, kasama ng kanyang mga kapatid, anak at mga pamangkin. Sinabi ni Anthony Co na nakahi­nga na sila ng maluwag sa pagbasura ng korte sa mga kaso.

ANTHONY CO

CO IT

ESTELITO MENDOZA

GONZALO CO IT

GREEN CROSS

GREENCROSS INCORPORATED

JUDGE FORTUNITO L

MANILA METROPOLITAN TRIAL COURT

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with