MANILA, Philippines - Isang Pinay nurse ang humihingi ng P20 milyong danyos laban sa Belo Medical Group matapos umanong masira ang mukha ng una makaraang sumailalim sa “Thermage procedure.
Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang nurse na itinago sa pangalang “Lily,” isang immigrant ng Edison, New Jersey, USA upang pormal na magsampa ng kasong kriminal at administratibo sa Belo Medical Group, Inc. at sa doktor na nagsagawa ng procedure sa kanyang mukha.
Ang reklamo ay bunsod sa aniya’y matinding kahihiyan sa tinamo nitong ‘permanent facial injuries’ matapos ang “Thermage procedure” na isinagawa ng isang Dr. Jennifer Sison sa Belo noong Hulyo 8, 2008.
Nabatid na nagtungo lamang sa Pilipinas si Lily upang magpakonsulta noong Hulyo 5, 2008 sa Belo Medical Group Inc. na matatagpuan sa Suite Medical Plaza Makati sa Amorsolo St. panulukan ng dela Rosa St., Legaspi Village, nasabing lungsod. Matapos ang konsultasyon ay hini mok umano siya ni Dr. Sison na magpa-”Thermage procedure” na nagkakahalaga ng P120,000.
Pinatulog si Lily bago isinagawa ni Dr. Sison ang Thermage procedure kung saan ginuguhitan ng maliliit na square ang mukha saka isa-isang nili-lazer bilang isang pamamaraan ng pagpapaganda at pagpapabata.
Nang magising ay magang-maga umano ang kanyang mukha. Ilang araw ang lumipas ay nagtutubig, nagkabitak-bitak at bagbabakbak ang mukha nito bunga ng matinding pagkasunog.
Nang matapos ang “duration” ng pananatili sa Manila, ay halos hindi aniya siya makilala sa dati nitong anyo hanggang sa lumala subalit binigyan lamang siya ng cream o pampapahid ng Belo. Upang hindi masita sa Immigration sa NAIA sa kanyang takdang pag-uwi sa US, napilitang kumuha ito ng sertipikasyon sa Belo na nagpapatunay na sumailalim sa “thermage procedure” na dahilan ng pagbabago ng mukha nito kumpara sa kanyang larawan sa passport.
Sa unang ipinadalang demand letter ni Atty. Ar nold Naval ng Naval Caculitan Rangunjan Law Office na siyang may hawak ng kaso, hiniling ng kanyang kliyente na magbayad ang Belo Group ng halagang P20 milyon bilang danyos kasama na ang ginastos nito.
Sinabi ni Lily na kabilang sa kakasuhan nito ng reckless imprudence resulting to serious physical injuires at medical malpratice sina Victoria “Vikki” Belo bilang Medical Director ng Belo Group at Dr. Sison na res ponsable sa aniya’y mga tinamo nitong peklat sa mukha bunga ng naturang procedure.
Napag-alaman naman na sertipikado si Vikki Belo na magsagawa ng natu rang procedure. (Ellen Fernando)