^

Bansa

Pagtatalaga ng Muslim Associate Justice makakatulong sa peace and order sa Mindanao

-

MANILA, Philippines - Hinimok ni Anak Min­da­nao party-list Rep. Mujiv Hataman ang Judicial and Bar Council (JBC) at si Pangulong Arroyo na i-re­komenda at magtalaga ng Muslim Associate Justice dahil may anim na mga Ma­histrado ang magrere­tiro ngayon taon.

Sinabi ni Hataman, wala ni isang Muslim na na­talaga sa kataas-taasan Hukuman sa loob ng 22 taon. Si SC Justice Abdul­wahid Bidin lamang aniya ang natalaga sa puwesto noong 1987 matapos itong italaga ni dating Pangulong Cory Aquino kaya naman nakaupo ito sa Supreme Court at nagkaroon ng repre­sen­tasyon ang mga Muslim noon. 

Ang pagbibigay repre­sentasiyon o pagtalaga sa mga Mahistradong Muslim ay kasama sa 1995 Peace Agreement at Republic Act 6743 o Autonomous Region in Muslim Mindanao law at ang 1976 Tripoli Agreement.

Sabi ni Hataman na ma­kakatulong ng malaki sa peace and order sa Minda­nao kung mag­kakaroon sila ng kinatawan sa SC. (Butch Quejada)

ANAK MIN

AUTONOMOUS REGION

BUTCH QUEJADA

HATAMAN

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE ABDUL

MAHISTRADONG MUSLIM

MUJIV HATAMAN

MUSLIM ASSOCIATE JUSTICE

MUSLIM MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with