Gen. Garcia 2-taon kulong sa perjury

MANILA, Philippines - Dalawang taong pag­kakakulong ang inihatol ng Sandiganbayan laban kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Major Gene­ral Carlos Garcia ma­tapos mapatunayang nag­kasala ng walang pag-aalinlangan sa ka­song perjury.

Ang kaso ay may ka­ugnayan sa pagsisinu­ngaling nito sa kanyang idineklarang statements of assets and liabilities noong taong 2000.

Si Garcia ay kasalu­kuyan nakadetine sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame

Sa panig ng kampo ni Garcia, sinabi ng mga itong iaapela nila ang hatol na guilty ng Sandi­gan­bayan fourth division laban sa dating heneral para baliktarin nito ang desis­yon.

Sa loob umano ng 15 araw ay maghahain uma­no sila ng motion for reconsideration.

Noong December 2005 si Garcia ay na-convict na ng general court martial dahil sa di maipa­liwanag na yaman at na­dismis sa serbisyo bukod sa hatol na 2 taong pag­kabilanggo.

Napawalang bisa na­man ng Sandiganbayan Third at Second Division ang isa pang perjury charges nito noong May 2006 at April 2008 m­a­tapos sabihing hindi na­man mandatory sa isang opisyal ng gobyerno na isapubliko ang yaman ng asawa at mga anak.

Show comments