5 Army employees suspendido sa overpricing ng combat boots
MANILA, Philippines - Limang empleyado ng Philippine Army ang sinuspinde ni Army Chief Lt. Gen. Victor Ibrado na isinabit sa overpricing ng may 33, 319 combat boots noong 2004.
Kinilala ang mga sinuspinde na sina Assistant Secretary Eduardo Opida, Executive Director Estanislao Granados Jr., Director Lourdes Santiago at Cirila Botor ng Inter-Agency Bids and Awards Committee (IABAC) ng Procurement Service –Department of Budget and Management (PS-DBM) kasama si Esterlita Necor mula rin sa PS-DBM.
Sa rekord ng Ombudsman noong Abril 2004 ang alok para sa bidding ng supply at delivery ng 97,257 pares ng combat boots ay may naaprubahang pondo na aabot sa P102,119,850.
Gayunman sa hindi malamang kadahilanan ay 33, 319 pares lamang ng combat boots ang na-order na may nakalaan lamang P39,982,800 budget.
Kabilang sa mga bidder ang Filboot Manufacturing Corp. na ang alok na halaga ng combat boots ay P1, 047 bawat pares; Gibson Shoe Factory, P1,038 kada pares at Jodaar Cottage Industries sa halagang P993.50 sa bawat pares.
Ang Filboot ang nagwagi sa alok na P1,047 kada pares o kabuuang halagang P32,864,283 kung saan ay P1,200 umano ang pinalabas na ibinayad sa kada pares ng kabuuang 31,389 pares ng combat boots o kabuuang P37,666, 800. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending