Paule pinalaya
Nakalabas na kahapon si Jaime Paule pagkatapos ng tatlong araw na pagkakakulong sa Pasay City Jail.
Umiiyak namang lumabas ng piitan si Paule kasabay ng pagsasabing niyurakan ni Senador Richard Gordon ang kanyang pagkatao sa pagpapa-kulong sa kaniya pati na aniya ang walang mga basehang akusasyon sa kaniya.
Si Paule ay sinasabing siyang bagman sa maanomalyang P728 milyong fertilizer scam na iniimbestigahan ng Senado.
Nanindigan naman si Paule na handa siyang humarap sa Senado sakaling muli siyang ipatawag sa pagdinig nito.
Nakulong siya sa city jail noong Huwebes dahil sa kautusan ng Mataas na Kapulungan. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending