Probe sa Legacy sisimulan sa Marso

Sisimulan na ng Department of Justice ang imbestigasyon sa mga kasong isinampa laban sa may-ari at opisyal ng Legacy Group.

Ayon kay DOJ Provincial Prosecutor Em­ma­nuel Y. Velasco, chair­­man ng panel of investigator, sa unang linggo ng Marso ay si­simulan na nila ang im­bestigasyon. Ipapa­tawag nila ang may-ari ng Legacy na si Celso delos Angeles.

Unang nagsampa ng mga kasong falsification of public and commercial documents, false statements, at syndicated es­tafa ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ilan pang indibidwal laban sa mga opisyal ng mga naluging rural banks na nasa ilalim ng Legacy Group at kay delos Angeles. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments