Katiwalian daw ni FG di alam ni GMA, ayon sa World Bank report
Isang kontratistang si Noelito Policarpio ng R.D. Policarpio and Company ang nagsabi sa World Bank na naniniwala siyang hindi alam ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga katiwalaang kinasasangkutan ng asawa nitong si First Gentleman Mike Arroyo.
Nakasaad ang pa hayag ni Policarpio sa report ng WB na hawak sa kasalukuyan ng Senado.
Kasabay nito, sinabi kahapon ni Senador Francis Escudero na hindi na niya iimbitahan sa kanyang komite ang Unang Ginoo sa isinasagawa niyang imbestigasyon sa anomalya sa mga bidding sa mga public work projects na pinondohan ng WB. “Hindi ko iimbitahin yung mga pinagdududahang kontratista o ang First Gentleman dahil ano’ng mapapala ko sa kanila.
Sa tingin n’yo ba mabibigyan nila ako ng tamang sagot kung paano mapapaganda ang procurement law,” ani Escudero. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending