^

Bansa

395 pulis pabaya at abusadong asawa

- Joy Cantos -

Umaabot sa 395 ang pulis na lalaki ang na­kasuhan noong naka­raang taon sa pananakit at ibang pang-aabuso at pagpapabaya sa sarili nilang asawa o kina­kasamang babae at mga anak.

Dahil dito, ipina­mamadali ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa sa PNP Wo­men’s and Children’s Complaint Desk ang pagresolba ng mga kasong naisampa sa tanggapan nito laban sa lahat ng uri ng ‘do­mestic violence’ dahil nakaka­apetko ito sa performance at nawawalan ng disiplina bilang mga tagapagpatupad ng batas ang naturang mga pulis.

Base sa statistics na ipinalabas kahapon ng PNP-WCCD sa kaso ng ‘domestic violence’ na naisampa sa nasabing tanggapan mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2008, umaabot sa 285 pulis ang inirek­lamong nagpabaya o umabandona at hindi sumuporta sa kanilang pamilya.

May mga pulis na hindi na umuuwi sa kanilang mga tahanan sa iba’t ibang kadahi­lanan tulad ng napalayo ng destino at overtime sa trabaho.

Ang iba naman ay may iba nang babae o kinakasama kaya tina­likuran ang tungkulin sa lehitimong pamilya.

May 22 namang pulis ang inireklamo ng sexual abuse.

Napuna rin sa rekord na marami sa mga ini­reklamo ng kani-ka­nilang asawa ay mga bagitong pulis o yaong may ranggong Police Officer 1 o Police Of­ficer­ 2 o 3.

Kabilang pa sa mga itinuturing na ‘domestic violence’ ng PNP-WCCD ay ang pagiging immoral, pambababae, illegal detention, at siko­lohiyang pang-aabuso.

vuukle comment

COMPLAINT DESK

DAHIL

DISYEMBRE

ENERO

KABILANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

POLICE OF

POLICE OFFICER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with