MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni Public Attorneys Office (PAO) chief, Persida Rue da-Acosta ang mga government lawyers sa ilalim ng kanyang pamunuan na hindi nito palulusutin ang hindi tamang gawain at agad kakastiguhin.
Aniya, may kabuuang 147 mga abogado at empleyado ng PAO ang kanyang kinastigo simula ng taong 2001 hanggang 2008.
Sinibak ang dalawa, apat ang nasuspinde at pinagmulta habang dalawa ang binawian ng lisensiya habang nasa 115 ang may warning nahidni na maari pang umulit sa pagkakasala.
Isang halimbawa ang rekord ng Atty. Manuel Ramos, Public Attorney III ng Region II, na nagmulta ng isang buwang sahod matapos masuspinde dahil sa pagdalo sa hearing ng lasing o nakainom at nakaligtaang iharap ang isang testigo.
Pinaalalahanan din niya ang PAO lawyers na huwag humawak ng kasong paglabag sa BP 22 o bouncing checks, alinsunod sa Memorandum circular series of 2002, na naging dahilan upang kastiguhin ang ilang tauhan. (Ludy Bermudo)