Senior citizens ililibre sa VAT

MANILA, Philippines - Naghain ng panu­kala si Sen. Mar Roxas sa Senado na naglala­yung malibre sa pani­ningil ng Value Added Tax (VAT) ang mga senior citizen.

Sinabi ni Sen. Ro­xas, isang malaking gin­hawa sa pamilya ng mga senior citizen kung sila ay magiging exemp­ted sa VAT para magka­roon sila ng murang ga­mot.

Iginiit pa ni Roxas, sen­timyento ito ng mga senior citizen sa gi­nawa nilang konsul­tasyon nang isinusu­long niya ang Cheaper Me­dicine bill.

“It bears stressing that most of our senior citizens have no steady source of income after retirement, thus the 20 percent senior citizens’ discount and exemption from the 12 percent VAT would be a big help to them,” paliwanag pa ng mambabatas.

Sa ilalim ng panu­kala ni Roxas ay papa­ta­wan ng multang P500,000 ang sinumang tatangging bigyan ng exemption sa VAT ang mga senior citizen.

Show comments