Senior citizens ililibre sa VAT
MANILA, Philippines - Naghain ng panukala si Sen. Mar Roxas sa Senado na naglalayung malibre sa paniningil ng Value Added Tax (VAT) ang mga senior citizen.
Sinabi ni Sen. Roxas, isang malaking ginhawa sa pamilya ng mga senior citizen kung sila ay magiging exempted sa VAT para magkaroon sila ng murang gamot.
Iginiit pa ni Roxas, sentimyento ito ng mga senior citizen sa ginawa nilang konsultasyon nang isinusulong niya ang Cheaper Medicine bill.
“It bears stressing that most of our senior citizens have no steady source of income after retirement, thus the 20 percent senior citizens’ discount and exemption from the 12 percent VAT would be a big help to them,” paliwanag pa ng mambabatas.
Sa ilalim ng panukala ni Roxas ay papatawan ng multang P500,000 ang sinumang tatangging bigyan ng exemption sa VAT ang mga senior citizen.
- Latest
- Trending