MANILA, Philippines - Bago na ang ‘set of officers’ ng Liga ng mga Brodkaster sa Pilipinas (AngLiga). Resulta ito ng matagumpay na halalan na isinagawa mga miyembro nito noong February 2, 2009, isang araw matapos ang unang taong aniber saryo ng pagkakarehistro nito bilang non-stock and non-profit broadcast media organization sa Securities and Exchange Commission. Ang AngLiga ay nairehistro sa SEC noong February 1, 2008.
Ayon kay Fernan Emberga, tagapagsalita at isa sa tagapagtatag ng grupo, higit na mapagtutuunan na ngayon ng pansin ng bagong liderato ng AngLiga ang orihinal na bisyon at misyon nito kung bakit ito itinatatag.
“Ibinabalik lang namin sa tamang ‘focus’ ang direksyon ng AngLiga bilang ‘vanguard organization’ ng mga lihitimo at aktibong brodkaster at manggagawa sa broadcast media industry na nagtatanggol ng kalayaan sa pamamahayag at tagapagtaguyod ng karapatan at kagalingan ng mga miyembro ng organisasayon, ng sektor ng media at ng samabayanan,” paliwanag ni Emberga.
Nagkakaisang inihalal si Rolie “Lakay” Gonzalo, ng DWIZ at UNTV bilang bagong pangulo ng grupo. Si Gonzalo ay kasalukuyan ding Vice-President ng National Press Club of the Philippines (NPCP).
Kabilang pa sa bagong opisyal ng AngLiga, sina: Sonny Casulla (DZRH), VP for Internal Affairs; Raul Virtudazo (DZBB), VP for External Affairs; Benjie Alejandro (DZBB), Secretary; Fernan Emberga (DZAR), Treasurer; Buddy Oberas (DZXL), Auditor; Gani Oro (DZBB),Business Manager; at, Edward Perez (DWAD), PRO.
Chairman of the Board si Mike Abe (DZME/DZAR) at mga Directors sina: Rudy Yagumyom (ABS-CBN), Rollie Canon (DZXQ), Ed Verzola (DZRB), Reggie Espiritu (DZRH), Joy Rosaroso (DWDD), Sixto Lagare (DZXQ/ DZRM), Ferddie Javines (DZRB), at Carmen Ignacio (DZRJ).