^

Bansa

Daing ng ICRC hostages, 'Pagod na kami'

-

MANILA, Philippines - Pagod na pagod na sa katatakbo at walang hum­pay na pagpapalipat-lipat ng taguan ang tatlong miyembro ng Internatio­nal Committee of the Red Cross (ICRC) na isang buwan na ngayong bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ICRC) sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa sources sa field, dumaraing na ng ma­ tinding pagod ang mga bihag na sina Swiss na­tional Andreas Notter, Eu­genio Vagni, Italian at ang Pinay Engineer na si Marie Jean Lacaba dahil halos buong araw na hindi ang mga ito nagpapahinga sa pagpa­palipat-lipat ng taguan.

Ito’y sa dahilang nata­takot umano ang grupo ni Abu Sayyaf Commander Albader Parad na makor­ner sila ng tumutugis na tropa ng militar, pahayag ng isang opisyal na tu­mangging mag­pabang­git ng pangalan.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring kinokordo­nahan ng tropa ng militar ang 4 kilometrong pali­bot ng kagubatan ng In­da­nan, Sulu na pinagta­ta­guan sa mga bihag.

Samantalang uma­abot sa 463 pamilya ang nagsili­ kas sa bayan ng Indanan sa takot na ma­ipit sa bak­bakan. 

Kaugnay nito, nasa 219 pamilya o kabuuang 1252 katao na ang apektado ng hot pursuit operations ng mga elemento ng Philippine Marines laban sa kidnappers ng tatlong guro at ng Sri Lankan national na si Umar Jaleel na dinukot sa Basilan.

Base sa report ng National Disaster Coordinating Council, 107 pamilya o 542 katao ay mula sa Brgy. Langgung, Akbar, Basilan  habang nasa 70 pa­milya naman ang apek­tado sa bayan ng Moha­mad Ajul ng lalawigan.

Ang nasabing mga lugar ang sinasabing pi­nagdalhan ng mga kidnappers sa kanilang mga hostages. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF COMMANDER ALBADER PARAD

ABU SAYYAF GROUP

ANDREAS NOTTER

BASILAN

COMMITTEE OF THE RED CROSS

JOY CANTOS

MARIE JEAN LACABA

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with