MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Japanese contractor na na unang inireport na nagdawit kay First Gentleman Mike Arroyo na utak ng manipulasyon sa mga project bidding ng pamahalaan na nakipag-pulong siya sa Unang Ginoo.
Dahil dito, tahasang si nabi ni dating Surigao Rep. Prospero Pichay na kasinungalingan ang nilalaman ng controversial World Bank reports hinggil sa umano’y korapsiyon at katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.
Partikular na sinabi ni Pichay ang mismong paha yag ng Japanese contractor na si Tomaro Suzuka na walang miting na namagitan sa kanya at nina FG Mike Arroyo at ang namayapang dating senador na si Robert Barbers.
Iniulat sa mga pahayagan ang bahagi ng WB report na nagsasabi na mismong si Suzuka ang nagbunyag na minsan na siyang nakipagpulong kina FG at Barbers at ang pinag-usapan ay ang suhulan sa mga proyektong may pondo galing sa mga banyagang nagpapautang.
“Eh kung ang mismong sinasabi sa ulat ng World Bank na taong nagsabi na sangkot si FG at sa namayapang senador sa katiwalian ng mga proyekto ang nagpahayag na hindi totoo ang naturang akusasyon, ang ibig lang sabihin ay palpak at kasinungalingan ang WB report,” pahayag pa ni Pichay.
Sinabi ni Pichay na kapag hindi napatunayan ang mga paninira sa mga personalidad na isinasangkot ng World Bank report ay dapat umanong papanagutin ang mga taong nasa likod ng malisyosong ulat kahit sila’y opisyales man ng makapangyarihang bangko sa mundo.
Idinagdag ng dating Solon na “kahit ang kanilang mga kakutsabang pulitiko sa Pilipinas at mga kontraktor na talunan sa project bidding ay kailangang managot din sa mga malisyosong pambibintang.” (Butch Quejada)