^

Bansa

Jayross pumalag sa 'out-of-line'

-

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Jay­ross Lucky Seven Tours Bus Co. (Jayross) ang report na ito’y bumi­biyahe sa hindi awtori­sadong lugar o out-of-line operation.

Sa pahayag ng Jay­ross, ang kanilang kum­panya ay awtorisado ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFB) na bumiyahe sa rutang Naia-Tungko via Edsa, vice versa.

Ang lahat anya ng bus ng Jayross na bumibiyahe sa awtorisadong ruta ay may kaukulang permit o prangkisa galing sa LTFRB.

Pawang paninirang puri lamang umano at inggit ng mga katunggali sa negosyo ang pinalutang na balita.

Nilinaw din ng Jayross ang alegasyon na milyon piso ang nawawalang kita ng mga bus na pinamu­munuan ni Ginang Elena Ong ng San Jose del Monte Bulacan Bus Operators Group (SJBBOG).

Anila, lahat ng bus ay naaapektuhan ang kita dahil sa mataas ng fuel price nuong nakaraan taon at global crisis na narara­nasan ngayon. Dahil dito ay nabawasan ang mga mananakay at iba naman ay lumipat ng lugar. Idag­dag pa dito ang mga ma­taas na presyo ng langis, colurum na bus at jeepney at out-of-line operation.

Ang mga pinupukol na intriga na walang basehan ay nasa korte at tanging korte lamang ang makaka­pagdesisyon kung sino ang tama. 

Pinuna din na tanging Jayross ang nerereklamo ng grupo ni Ong at ito ay maliwanag na panggigipit, black propaganda at trial by publicity laban sa kanila. 

ANILA

BUS

DAHIL

GINANG ELENA ONG

JAYROSS

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

LUCKY SEVEN TOURS BUS CO

MONTE BULACAN BUS OPERATORS GROUP

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with