P123 milyon gastos sa biyahe ni GMA

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol kaha­pon ng Malacanang ang ginastos ng gobyerno na P123 milyon sa pinaka­huling presidential trip ni Pangulong Arroyo sa may 5 bansa.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Er­mita sa kanyang media briefing sa Malacanang, bagama’t gumasta ng P123 milyon para sa bi­yahe ng Pangulo sa Switzerland, Italy, Saudi Ara­bia, Bahrain at Estados Unidos ay naging mabu­nga naman ito.

Ayon kay Sec. Ermita, nakakuha ng pledges na multi-milyong dolyar na investments si Pangulong Arroyo kabilang na dito ang $200 milyon para sa agrikultura mula sa Saudi Arabia; $400 milyon investment para sa pagta­tayo ng hotel ng Bahrain sa Makati; at $1.2 bilyon para sa textile exports sa US.

“It’s worth it. Can you imagine if the P1.2 billion in exports pushes through?,” depensa pa ni Ermita. (Rudy Andal)

Show comments