^

Bansa

Konsehal na nagkuwestyon sa pagbubuwis ng Quezon City, binutata ni Endriga

-

MANILA, Philippines - Binutata ni QC Treasurer Victor Endriga ang isang konsehal ng lunsod nang makialam ang huli sa usapin ng pagkolekta ng wastong buwis sa Quezon City.

Ito ay makaraang ipa­ta­wag si Endriga ng kon­seho nitong nakalipas na araw ng Lunes upang gisahin ito kaugnay sa sinasabing sobrang taas umanong singil sa buwis na ipinatu­tupad nito sa lunsod.

Ipinunto raw kasi ni QC 4th District Councilor Janet ‘Babes’ Malaya kay En­driga na walang legal na ba­sehan ang taktikang ipi­natutupad ng City Trea­surer’s Office (CTO) hinggil sa tax collection system sa lunsod.

Iginiit naman ni Endriga na ang kanyang ipinatu­tupad na singil sa buwis ay base na rin sa Quezon City Revenue Code na bina­lang­kas ng QC Council.

Animo’y ipinamukha rin umano ni Endriga kay Malaya ang kanyang 40 taon na serbisyo sa Treasurer’s Office ng Lungsod ng May­nila, Pasig City at Quezon City.

Bago matapos ang pagdinig, inihirit pa ni Endriga na ang kanyang sentido-kumon ang ka­agapay ng kanyang 40 taon na serbisyo sa lara­ngan ng pagkolekta ng wastong buwis.

Magugunitang lubog sa kumunoy sa utang ang lungsod nang manung­kulan si QC Mayor Feli­ciano Belmonte noong 2001 subalit pagkaraan lamang ng isang taon ng panunungkulan ni Bel­monte ay umapaw ang kaban ng lungsod na na­na­tili hanggang sa kasalu­kuyang number 1 bilang pinakamayamang lunsod sa buong Pilipinas sa tulong na rin ng abilidad ni Endriga. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CITY TREA

DISTRICT COUNCILOR JANET

ENDRIGA

MAYOR FELI

PASIG CITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY REVENUE CODE

SHY

TREASURER VICTOR ENDRIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with