^

Bansa

Moratorium sa wage hike, inangalan

-

MANILA, Philippines - Inangalan kahapon ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang plano ng Malakanyang na magpatu­pad ng wage increase mo­ratorium sa mga mangga­gawa, bun­sod ng narara­nasang krisis pampinan­syal ng mundo, kabilang na ang Pilipinas.

Ayon kay KMU spokes­person Prestoline Suyat, mas dapat pa ngang itaas ang sahod ng mangga­gawa sa ngayon dahil sa krisis, lalo pa’t dito la­mang sila umaasa at ka­nilang pamilya upang mabuhay.

“Sa NCR lamang, ba­tay sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang P382 na nominal minimum wage ay may purchasing power lamang na P246.77 sa kasalukuyan. Ang cost of living ay mahigit P900 na upang mabuhay ng di­sente ang pamilya ng mangga­ gawang may anim na mi­yembro,” ayon kay Suyat.  

Idinagdag din ni Suyat na sa panahon ng krisis, mas dapat bigyan ng dag­dag sahod ang mga mang­gagawa, dahil sina­saman­tala lamang ng ibang ka­pitalista ang na­gaganap umanong krisis.

Anang grupo, hindi naman sila tulad ng mga kapitalista na sobra-sobra ang pera, may ari-arian at alahas na maaaring ibenta sakaling maubu­san ng pera.

“Kami, wala kundi ang maging biktima ng mga pautang na 5-6 at bawa­san ng dalawang beses ang pagkain sa isang araw upang makapasok muli sa trabaho kinabu­kasan,” dagdag pa ni Suyat. (Doris Franche)

ANANG

AYON

DORIS FRANCHE

IDINAGDAG

INANGALAN

KILUSANG MAYO UNO

NATIONAL WAGES AND PRODUCTIVITY COMMISSION

PRESTOLINE SUYAT

SHY

SUYAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with