^

Bansa

Wildfire sa Australia, Mag-utol na Pinoy patay!

-

MANILA, Philippines - Isang magkapatid na Pinoy ang iniulat na na­sawi sa wildfire na patu­loy na namiminsala sa ban­sang Australia, ito ang kinumpirma kaha­pon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay DFA spokesman Bayani Mangibin, nakatanggap sila ng ulat mula sa Philippine Embassy sa Canberra hinggil sa pagkamatay ng mag­kapatid na Pinoy na kini­lalang sina Melanie, 24 at Jason Hermocilla, 22.

Sa kasalukuyan ay may dalawang linggo nang namiminsala ang naturang wildfire sa southeastern state ng Victoria, bunsod na rin nang malalang tagtuyot na naging sanhi upang maging “extra-dry” ang mga kagubatan.

Noong Sabado la­mang naman umano na­ging “deadly” at mapa­nganib ang sunog at nitong Martes ay uma­abot na umano sa 173 ang bilang ng mga na­sawi sa itinuturing na worst wildfire disaster sa Australia.

Ang mga tupok na bang­kay umano ng ka­ra­mihan sa mga biktima ay natagpuan sa mga gilid ng mga kalsada at sa loob ng kanilang mga sasak­yan na palatan­daan na tinatangka uma­no ng mga ito na takasan ang naglalagab­lag na apoy. (Mer Layson)

AYON

BAYANI MANGIBIN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JASON HERMOCILLA

MER LAYSON

NOONG SABADO

PHILIPPINE EMBASSY

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with