^

Bansa

4 pang pre-need firms malapit nang mabangkarote

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tatlo hanggang apat pang pre-need companies kabilang na ang Pryce Plans Inc. ang malapit nang mag-collapse.

Inamin ito kahapon ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa joint hearing ng Senate Committee on Trade and Commerce at bank, financial institutions and currencies kaugnay sa naluluging pre-need companies.

Inatasan ng mga sena­dor ang SEC na isumite sa Senado ang listahan ng mga pre-need companies na malapit nang magsara.

Iginiit naman ni Juan Mi­guel Vazquez, presiden­te ng Philippine Federation of Pre-need Plan Companies Inc., na ang mga pre-need companies na wala nang balak palakihin ang kani­lang negosyo ay dapat itigil na ang pagbebenta ng mga policies.

Samantala, pinaiilit na ni Sen. Mar Roxas sa Bang­ko Sentral ng Pili­pinas at Securities and Exchange Commission ang mga ari-arian ng may-ari ng na­bang­karoteng Le­gacy Group na si Celso delos Angeles upang may ipam­bayad sa mga nag­hahabol na plan holders.

Ayon kay Roxas, dapat maibalik sa mga plan holders ang kanilang ibinayad at malaki ang maitutulong ng gobyerno kung maku­kumpiska ang ari-arian ni delos Angeles.

At upang matukoy kung magkano talaga ang ha­laga ng lahat ng ari-arian ng may-ari ng Le­ gacy Consolidated Plans, ipina­pasumite ng mga senador ang kopya ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Kabilang umano sa ari-arian ni delos Angeles ang isang P57M halaga ng ari-arian sa Ayala Alabang; luxury cars na nagkaka­ha­laga ng P8 milyon na kina­bibilangan ng isang black & silver S-Class Mercedes Benz, isang Porsche Box­ter at isang Mercedes Benz SLK sports car; isang yate at bahay sa Cebu. 

Ayon kay Roxas, niloko ni delos Angeles ang pub­liko sa offer nitong dodob­lehin ang perang inilagak sa Legacy.

Binakbakan rin ni Roxas ang SEC at ang BSP dahil sa kawalan ng ‘transparency’ sa publiko na hindi umano inabisuhan kaugnay sa mga nameme­ligrong pre-need companies.

May hinala rin si Roxas na natatakot ang mga opisyal ng SEC at BSP sa malaking personalidad na nasa likod ni delos Angeles na sinasabing malapit kay Vice Pres. Noli de Castro.

Sa susunod na hearing ay tatanungin din umano ni Roxas si delos Angeles kung sino ang koneksiyon nito. 

Binigyan ng Senado ng 15 araw si delos Angeles upang isumite ang kopya ng kanyang SALN.

ANGELES

ARI

AYALA ALABANG

AYON

CONSOLIDATED PLANS

DELOS

ROXAS

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with