Itinalaga ni Justice Secretary Raul Gonzalez si Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco bilang tagapangulo ng itinatag na independent body ng Department of Justice para mag-imbestiga sa kasong kriminal na isinampa ng Bangko Sentral ng Pilipinas laban sa mga opisyal ng Legacy group.
Maging si Albay Mayor Celso delos Angeles ay pinaiimbestigahan din ng Kalihim dahil ito ang may-ari ng Legacy group.
Ipapatawag ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang isang Regional Trial Court Judge at mga justices ng Court of Appeals na nagpalabas ng Temporary Restraining Order para hindi makagalaw ang BSP sa pagsisiyasat sa mga banko sa ilalim ng Legacy.
Ito ang sinabi ni Rodriguez, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermidiaries kahapon. (Gemma Garcia at Butch Quejada)