Sexual abuse sa NPA talamak daw

Maraming babae at lalaki ang nagagahasa at naabuso umano sa ki­lu­san ng New Peo­ple’s Army.     

Ito ang ibinulgar ka­hapon ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines base sa intelligence report at ma­ging sa testimonya ng mga nagsi­sukong re­belde.   

“Kinukumpirma na­min na nangyayari sa hanay ng kilusang ko­munista ang sexual opportunism,” pa­hayag ng ilang intelligence officers ng AFP na ipinara­ting kay AFP-Civil Relations Service Chief Brig. Gen. Gaudencio Pangi­li­nan.   

Sinabi ni Pangilinan na karamihan sa mga du­ma­­ra­nas ng pang-aabu­song sekswal ay mga bagong recruit ng mga rebeldeng komu­nista.   “Alam mo naman sa bun­dok malamig ang gabi, nangyayari talaga ito, confirmed itong report na ito at may mga nagbigay na ng testimonya ukol dito sa ating mga rebel surren­derees,” ani Pangilinan.   

Base sa testimonya ng ilang mga rebel surrende­rees, sinabi ng mga ito na maging ang mga lalaki ay hindi rin pinatatawad ng mga bading na pinuno ng mga rebelde kaya hinaha­lay rin ang mga ito.  

Samantala, ilan naman umano sa mga hayok sa laman na mga pinuno ng NPA ay dala-dalawa pa o higit pa sa isang babae lalo na ang mga bagong recruits na estudyante ang ginagawang kasiping sa gabi. (Joy Cantos)

Show comments