80 pulis sibak sa droga
Umaabot na sa 80 tauhan ng Philippine National Police ang tinanggal sa serbisyo matapos mapatunayang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang random drug test noong taong 2008 na inaasahang madaragdagan pa nga yong taon.
Ito ang nabatid kahapon kaugnay ng determinadong kampanya ng PNP upang linisin ang kanilang bakuran laban sa mga tiwaling opisyal at tauhan na gumagamit at nasasangkot sa illegal na aktibidades ng iligal na droga.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome, 24 pa na pulis ang nasuspinde, lima ang na-demote o ibinaba ng ranggo, 79 ang patuloy na dinidinig ang kaso, habang may ilan pa ang napilitang magbitiw sa tungkulin at nag-AWOL (Absense With out Official Leave) matapos masabit sa droga.
Umabot na sa 25,134 pulis ang isinalang sa drug test kasama ang mga opis yal mula sa target na halos 30,000 o 25 % ng 120,000 kabuuang pwersa ng pambansang pulisya. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending