Job Summit sa mga nawalan ng trabaho
Maglulunsad ngayong umaga ang Malacañang ng Job Summit upang matugunan at maisalba ang mga trabaho sa pamamagitan ng pagtulong sa mga industriya na magiging katulong sa magiging epekto ng global financial crisis.
Sinabi ni Labor Secretary Marianito Roque, iniutos mismo ni Pangulong Arroyo ang pagsasagawa ng summit na tinawag na “joining hands against the global crisis”.
Magsasama-sama ang multi-sectoral group na binubuo ng business sector, labor groups, simbahan, academe at non-governmental organizations.
Ipinaliwanag pa ni Roque, isang kasunduan ang lalagdaan kung saan ay ihaharap kay Pangulong Arroyo kung saan ay nagsasaad ito ng kanilang obligasyon sa pagsuporta sa mga programa sa pamamagitan ng pagpapanatili at paglikha ng mga trabaho. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending