^

Bansa

Lacson binira ng grupo ng empleyado

-

Dapat na umanong tumigil sa mga paninira si Senador Panfilo Lacson kay First Gentleman Mike Arroyo­ at sa ibang tao kahit walang mailabas na ebidensya at testigo lalo na ang hinggil sa umano’y katiwalian sa mga proyektong pinondohan ng World Bank.

Sinabi ng COGEO na dapat nang mahiya at tumigil sa pagbibintang si Lacson at sa halip ay maglabas na ito ng saksi at ebidensiya upang patunayan na hindi ito sinungaling at naninira lamang.

“Lubha nang agrabyado si Ginong Arroyo at ng iba pang sinisiraan ni Mr. Lacson ng tuluy-tuloy kahit walang ebidensiya dahil lamang sa senador siya,” sabi ni COGEO Chairman Atty. Jesus Santos sa isang pahayag.

Sinabi naman ni COGEO President Flor Ibanez na ang tanging malinaw sa mga paninira ni Lacson ay ang hangarin nitong magkaroon ng publisidad kahit na wala naman siyang pruweba sa kaniyang mga sinasabi. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CHAIRMAN ATTY

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GINONG ARROYO

JESUS SANTOS

LACSON

MR. LACSON

PRESIDENT FLOR IBANEZ

SENADOR PANFILO LACSON

SINABI

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with