^

Bansa

OFWs bibigyan ng puhunan ni Villar

-

Tiniyak ni Nacionalista President Senator Manny Villar na handa siyang sumuporta sa mga nagsisiuwing overseas Filipino worker na magsimula ng sariling negosyo sa kanilang bayan.

Pangunahing apektado ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya ang mga OFW dahil sa pagsasara o kaya ay pagtitipid ng kanilang kumpanyang pina­pasukan.

“Tulad ng OFWs na sumusuporta sa kanilang pamilya at sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng kani­lang remittance, naniniwala ako na ang mga entrepreneur na pumapasok sa mga micro, small at medium enter­­prise ang bagong grupo ng mga bagong bayani ng lipunan,” hikayat ni Villar.

Ipinahayag ng Senador na ang programa ng kaniyang partido na Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga ay bukas sa mga OFW-entrepreneur na gagamit ng “sipag at tiyaga” sa pagtatayo at pagpapalago ng kani­lang sariling negosyo.

Ang programa na inilunsad noong nakaraang taon ay humirang ng 16 entrepreneurs mula sa iba’t ibang panig ng bansa at nabiyayaan ng dagdag na P100,000 puhunan bawat isa. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

IPINAHAYAG

NACIONALISTA PRESIDENT SENATOR MANNY VILLAR

PANGUNAHING

PONDO

PUHUNAN

SENADOR

SIPAG

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with