Mass lay-off sa North Harbor nakaamba

Maraming mangga­gawa sa North Harbor ang namimingit umanong ma­walan ng trabaho kapag hindi natupad ang planong gawing mala-Port of Sin­gapore ang Port of Manila. 

Ito ang pangamba ng mga manggagawa na dahil sa tindi ng panda­igdigang kompetisyon ay maaaring magsilipat ng mga daungan ang mga foreign vessels sa ibang mas maunlad na bansa na mag­reresulta sa kawalan ng kita ng gob­ yerno at mass layoff.

Pinuna ni Engr. Nelson Ramirez, tagapagsalita ng Philippine Association of Migrant Workers and Advocates (PAMWA) na ku­westiyunable at hindi pu­mapabor sa gobyerno ang kontrata at wala rin uma­nong katotohanan na nagkaroon ng pag-asenso sa North Harbor gaya ng ipi­nangako umano ni Reghis Romero na presi­dente ng Harbor Center Port Terminal, Inc. (HCPTI) kaya hindi dapat i-award ng Philippine Ports Authority (PPA) ang 25-Year Manila North Harbor Modernization Project sa HCPTI.

Una nang nagpalabas ng open letter sa mga pa­hayagan ang grupo ng PAMWA para magsilbing gabay ni Pangulong Arroyo hing­gil sa negatibong epekto ng kontrata kung ito’y itutuloy.

Sinabi ng PAMWA, sa loob ng 10-taon na hawak ng HCPTI ang Manila Harbor Center (MHC) ay hindi na umasenso ito bilang isang international port of entry.

Atrasado na rin umano ang HCPTI sa mga bayarin nito sa mga kontratista sa MHC kaya kakaunti na lang ang sineserbisyuhang barko mapa-foreign going vessels man o domestic. (Butch Quejada)

Show comments